"Kada Lunes po ang ating lungsod ay merong Monday Morning Program - MMP at ang inyong Lingkod po ang nangunguna upang magbigay mensahe sa mga iba't-ibang pangyayari sa ating Lungsod, tayo rin po ay nagbibigay ng espesiyal na award sa mga matagumpay na MandaleƱos sa kani-kanilang mga larangan, pinamumunuan din po natin ang mga oathtakings ng mga iba't-ibang grupo sa ating Lungsod..."

NAGSIMULA SA ISANG PANGARAP

Isang munting pagbisita sa ating multi-awarded Project TEACH School ~ Therapy Education Assimilation of Children with Handicap.

"Ang proyektong ito po ay nagsimula sa isang pangarap na naging katuparan nuong 2007... Kaya po ang inyong Lingkod ay nagagalak sa muli kong pagbisita at muling ko po nasilayaan ang mukha ng mga bata na punong-puno ng pagasa sa kanilang pangalawang tahanan... Sa bawat haplos ng kanilang mga kamay, sa bawat yakap, at sa bawat inusenteng mala anghel na ngiti nararamdaman ko ang ligaya at pagmamahal nila na hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay sa mundo."

Show more post